it's my life.

Sunday, April 10, 2005

Whoa! I never meant to offend anyone!

jinx1147 (1:51:43 AM): ksi, hindi naman ata nagmamatter ang course.. yun econ life mshadong magulo, parang tunay na buhay, hindi katulad sa stat.. nagbubuhay HS ako noon

eblucio (1:52:55 AM): sa tingin mo ba hindi ka maguguluhan sa stat?hindi mo ba naisip ang hassle ng pagiisip kung magdodrop ka ba sa stat 121. or ung hassledail sa hindi mo alam ang trabaho mo pagkagraduate mo


Mawalang-galang lang po. Parang ako'y nasaktan sa dayalogong ito. Marahil ay ibinase niyo po ang inyong sinabi sa inyong personal na karanasan sa sandaling panahon na kayo'y Stat Major. Ngunit kahit sino pa po ang tanungin galing sa eskwelahan namin, ang buhay Stat po ay malayong-malayo sa buhay High School. Madalas ay naririnig po naming minamaliit ang Stat, pero hindi nalalaman ng mga galing sa ibang kolehiyo ang hirap at pasakit na pinagdadaanan namin. Hindi niyo po nalalaman na sa iisang semestre ay umaabot sa limang papers ang aming dapat gawin, tapusin, AT idepensa. At ang isang paper po ay halos katumbas na ng mga thesis o feasib o kung ano pa man ang pinag-uukulan ninyo ng panahon. Pare-pareho lang po tayong puyat at walang tulog. Pare-pareho lang po tayong taga-UP.
At bagaman hindi namin "alam ang trabaho mo pagkagraduate mo", hindi ba't nag-aalinlangan naman ang lahat ng bagong tapos dahil dito? Lalo na ngayong ang unemployment rate ng Pilipinas ay lumalala dahil sa pagdagsa ng mga bagong dagdag sa labor force. Tayo'y nasa iisang bangka, ika nga.

Maligayang Pagtatapos na lamang sa ating lahat.

Peace.
--------------------------------------------------------------------------------------
apologies to you all..

take it from this context...
i was such a kid.. nagbubuhay HS ako noon.. ako yun. feeling ko kasi minsan iba na ako ngayon. feeling ko, if i were in stat hindi ganon. forever masaya.. im not trying to patronize anyone.. bsta.. wala lng kasi akong sad moment sa stat..parang HS.. halos wala akong maalalang sad moment, parang perfect life. hindi gaya ngayon... maybe life aint really perfect but my memories of stat is sort of a sanctuary to me pag low EQ na ko.. yun ang default moment ko pagnkakasad ang college... isipin ko n lng nun freshman ako.. nung araw araw akong tinitiis ni rosselle.. yun MRT trips... yun movies.. yun tambay in my haus.. EK.. basta lahat,.. pati stand up performance ni rosselle in class.

dun sa hirit ni ED.. my bad.. personal sentiment nya yun.. maybe i shldv asked if he'd like his comment posted for the world to read..maybe, he was just trying to console me, make me feel better.. kasi nga sinabi kong pinagsisihan ko na ata yun pagshift ko noon.


chka anuva. i just said: ksi, hindi naman ata nagmamatter ang course dahil lahat ata ng tao nahihirapan humanap pa rin ng trabaho.. except sa mga gifted ppl na sila pa ang hinahabol!

well well well.. life nga naman.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home